Isang gabi nanood ako ng balita.
Habang nagtetext ay bigla kong nakita ang isang hindi ka-nais nais na eksena sa telebisyon, ang Maguindanao Massacre.
Natakot ako nang mapanood ko ito dahil sa dami ng mga taong pinatay. Ang sabi ko na lang sa aking sarili, “ Mga walang puso ang mga gumagawa ng ganito ”. Isa pang kinatakutan ko ay nung nalaman kong may mga journalists na kasama sa mga pinaslang. Lalo akong natakot dahil isa akong Mass Communication student. Hindi man ako maging journalist sa hinaharap pero syempre sa hinaharap na yun ay maaaring mapabilang ang mga kakilala ko doon. Isa pang kinagulat ko ay nabalitaan ko na may mga kababaihan na kasama sa mga pinaslang. Hindi lamang sila pinaslang kung di ginahasa din. Hindi natin matatanggi na ito ay dahil sa politika at katakawan sa kapangyarihan.
Kasama sa isyu na ito ang usaping:
Social Justice and Human Rights.
Ayon kay Catherine Uba-Bermudez, dating Mindanao journalist, na ang mga gumawa nito ay mga hayop.
“these men are animals.”
“It just speaks how these people are animals ... I am disgusted by how invaluable these people look at humans, as if hearing them say "sige, katayin mo sila" (go ahead and slaughter them) to my face, like referring to bugs or rodents, needing extermination. Obviously, they don’t value lives. They make me throw up,” Bermudez added. (Philippine Daily Inquirer, 2009)
Women Rights
Ayon kay Nisa Opalla, tagapagsalita ng Gabriela Women’s Party-Southern Mindanao, na ang mga kababaihan ay wala ng kaligtasan pagdating sa politika.
“that in times of political turmoil, dictatorship, and fascism, women are not spared of state violence, this is how desperate political elites rule.” (Philippine Daily Inquirer, 2009)
Media Rights
Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines:
“Running for office and voting are as much exercises of free will and expression as covering and reporting the news,” (Bulatlat, 2009)
Sana ay matigil na ang ganitong kaganapan dahil hindi na ito makatao nang sa gayon ay hindi nangangamba ang mga future journalists. Kung wala man kayong hiya sa sarili niyo, ay mahiya naman kayo sa ibang tao. Ang mga journalists na ito ang tumutulong sa atin para magkaroon ng kaalaman ukol sa mga nangyayari sa ating kapaligiran. Pasalamatan sila at wag paslangin at pagsamantalahan. Sana ay mawala na ang mga gutom sa kayamanan o kapangyarihan dahil dito nagsisimula ang lahat. Hindi lamang para sa mga mamamahayag kung di para sa lahat ng tao.
Naisip ko lang….nasa imahe lang sila ng tao pero hindi asal tao.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento