Ang ganitong klaseng krimen ay merong katumbas na batas sa ating bansa: RA 9344 "JUVENILE JUSTICE AND WELFARE ACT". Ito ay ang batas na ipinapatupad para sa mga batang gumagawa ng kasalanan. Itong batas na ito ay nagbibigay protekta sa mga bata,
" It shall cover the different stages involving children at risk
and children in conflict with the law from prevention to rehabilitation
and reintegration."
*Ang batas na ito ay para sa mga batang 17 taong gulang at pababa.
Ito ngayon ay pinagtatalunan sa Kongreso. Ayon kay Sen. Francis Escudero, dapat daw ay baguhin ang edad na nakasaad sa RA 9344, nais nyang ipababa pa ang edad ng mga batang pinoprotektahan ng batas na ito mula 17 taong gulang pababa ay gagawing 9 taong gulang pababa . Para sa akin, maganda ang ideya na ito sapagkat ang mga batang nabibilang sa teenagers ay may sarili ng isip at alam na nila kung ano ang mali at tama. Kung inuutusan man sila ng kanilang magulang na gawin ang isang bagay na hindi ayon sa kanilang kagustuhan, maaari nnaman silang magtungo sa DSWD upang mabigyan ng solusyon o ng tamang parusa ang kanilang magulang.
Sa panahon ngayon, marami na ang mga batang ginagamit ng matatanda upang gawin ang mga hindi kanais-nais na bagay na hindi nila magawa. Hindi mang-mang ang mga tao sapagkat alam nila ang batas na nauukol para sa mga batang nakakagawa ng krimen. Alam nila na may batas na nagproprotekta sa mga bata na 17 taong gulang at pababa. Abusado ang mga taong ito kahit pa magulang sila ng bata. Hindi naman nararapat na gamitin ang mga bata para gumawa ng krimen. Naiintindihan ko naman sila na hindi ganong magaang ang kanilang pamumuhay ngunit marami namang paraan ang maaari nilang gawin upang may pang gastos sila sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay. Dapat din siguro ay magkaroon ng trabaho ang kanilang mga magulang upang hindi sila makagawa ng krimen at para hindi na rin nila utusan pa ang mga bata.
Sa batas na ito, nakasaad din na ang mga batang ito ay mapupunta muna sa pangagalaga ng DSWD o detention homes sa pangangalaga naman ng LGUs o local government units at ng mga NGOs o mga non-government organizations. Ang mga LGUs ay dapat magkaroon ng pondo para sa detention homes ng mga batang nakakagawa ng krimen. Ngunit nasaan nga ba ito? Ayon sa aking nasaksihan, noong ako'y nagpunta sa aming barangay, may mga batang nakakulong malapit sa opisina ng mga barangay tanod. Kung iyon man ay ang detention homes na itinatawag, sa palagay ko ay dapat ihiwalay ito sa mga iba pang krimenal na matatanda na.
Marami na ang nagkalat na NGOs sa ating Pilipinas ngunit hindi lahat ito ay kayang alagaan ang lahat ng bata sa ating bansa. Bawat taon ay dumadagdag ang bilang ng mga bata sa ating bansa. Naging parte na ako ng isang organisasyon, Childhope Asia Philippines o CHAP. Sa aking napuna hindi naman nila kinukupkop ang mga batang ito sapagkat hindi din naman kaya na makupkop ang lahat ng mga bata. Tinutulungan lamang nila at tinuturuan ang mga batang ito para hindi sila maapakan ng kung sino man. Ang DTC o Dynamic Teen Company, kung saan si Mr. Efren PeƱaflorida ay ginawaran bilang "Hero" noong 2009, ay isang organisasyon na nangangalaga at nagtuturo sa mga bata. Mayroon sa kanilang isang bata na nakatira, Kes, siya ay nasa edad na mababa sa 17 taong gulang.
Ayon naman kay Sen. Francis Pangilinan, bago daw baguhin ang batas ay subukan munang ipatupad ang batas na RA 9344. Ayon din sa kanya, ay hindi din naman napapatupad ang batas kaya may mga batang nakakagawa ng krimen at may mga abusadong magulang. Sinabi din nya na ang mga batang nahuhuli ay kaagad-agad ding pinapakawalan kaya ang batas ay parang bale-wala. Ang batas na ito ay nagsisilbing gabay para sa mga kabataang katulad ng hamog boys. Kung sila ay pakakawalan din agad o hayaan ulit manatili sa kalye nang hindi pa gaanong napapangaralan, wala ding saysay ang pagkakahuli nito sa kanila sapagkat hindi ito nagsisilbing "parusa" para sa kanila; inaabuso nila ang kanilang mga karapatan at hindi man lang natututo dito.
Sa ating pagkakaalam ay ang mga bata ang PAG-ASA NG BAYAN ngunit sa paraang ito ay unti-unting maglalaho ang kaalamang... bata nga ang pag-asa ng bayan sapagkat bata pa lamang sila ay marunong ng "mangurakot" sa pamamagitan ng pagnanakaw sa taxi o kung saan at kanino pa man.
Ikaw? Sa tingin mo ba ang KABATAAN PA DIN ANG PAG-ASA NG BAYAN?
Sa ating pagkakaalam ay ang mga bata ang PAG-ASA NG BAYAN ngunit sa paraang ito ay unti-unting maglalaho ang kaalamang... bata nga ang pag-asa ng bayan sapagkat bata pa lamang sila ay marunong ng "mangurakot" sa pamamagitan ng pagnanakaw sa taxi o kung saan at kanino pa man.
Ikaw? Sa tingin mo ba ang KABATAAN PA DIN ANG PAG-ASA NG BAYAN?

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento